|
Article in other languages:
|
Ang Morning Musume (モーニング娘。?), kilala rin bilang Momusu (モームス。?) at Momusue (モー娘。?) sa mga pahayagan ay isang kilalang grupo sa bansang Hapon, na binubuo ng mga babae at bawat taon ay nagpapalit ng kanilang mga miyembro. Ang kanilang mga ginagawa ay umiikot sa pag-awit at sa pag-sayaw sa mabibilis na himig. Sila ang pangunahing grupo ng Hello! Project, na pinangungunahan ni Tsunku. Ang ibig sabihin ng "musume" ay babae o anak na babae.
KasaysayanNagsagawa ng isang kompetisyon ang grupong Sharan Q gamit ang isang sikat na palabas sa TV Tokyo, ang ASAYAN. Ang kanilang misyon ay maghanap ng babaeng mang-aawit na kanilang tutulungan at susuportahan sa kaniyang karera at maaaring maging kasapi nila sa banda. Sa pagpasok ng Abril, taong 1997, sinimulan ng grupo ang mga odisyon. Ginanap ang mga ito sa mga susunod na lungsod: Fukouka (Abril 13), Tokyo (Mayo 3), Osaka (Mayo 24), at Sapporo (Hunyo 21). Ang mga napiling kalahok ay uusad sa huling bakbakan o finals sa entablado, kung saan nila kailangang awitin ang kantang, "GET." Ang awiting ito ang magiging unang single ng mananalong kalahok, at tutulong rin sa pagdedesisyon ng mga hurado ng kompetisyon. Ginanap ang huling bakbakan at ang paghayag ng nagwagi sa ika-10 at ika-11 ng Agosto taong 1997, ngunit ipinalabas ito sa telebisyon sa huling araw ng Agosto. Nagulat ang mga manonood noong inihayag ang nagwagi, na si Michiyo Heike, sa dahilang nakalimutan niya ang mga linya awiting "GET." Ipinaliwanag ng mga hurado kung bakit siya nanalo, at ang dahilan ay ang tamang pag-awit niya sa huling linya ng kanta. Kahit na nagpaliwanag ang mga hurado, marami pa rin ang nagtataka sa pagkapanalo ni Michiyo. Ang Hamon ni TsunkuSi Tsunku, isang kompositor at miyembro ng bandang Sharan Q, ay hindi natuwa sa kinalabasan ng pagkapanalo ni Michiyo. Kaya paglipas ng anim na araw, hinikayat niya ang lima sa sampung natalo na bumalik at pag-uusapan nila ang record deal na ibibigay niya sa kanila. Ang mga mapalad na natawag ay sina Yuko Nakazawa, Aya Ishiguro, Kaori Iida, Natsumi Abe, at Asuka Fukuda. Hinamon niya sila na magbenta ng 50,000ng kopya ng kanilang demo single na "Ai no Tane." Pumayag ang lima, handang gawin ang lahat makuha lamang ang kanilang mga pangarap na maging isang bantog na tao sa larangan ng musika. Natuwa si Tsunku at pinangalang Morning Musume ang grupo noong ika-8 ng Setyembre. Sinimulan nila ang pagrecord ng "Ai no Tane" noong Setyembre 23 at natapos ito isang buwan ang nakalipas. Sa wakas, inilabas na ang awiting ito sa ika-3 ng Nobyembre. Sa gayon ring araw nagsimula ang hamon na ibinigay sa kanila ni Tsunku. Nagumpisa sila sa Osaka, kung saan sila nakabenta ng 16,610ng kopya. Ang iba pa nilang pinuntahan ay ang mga lungsod ng Fukuoka (Nobyembre 9; 9,004 na kopya), Sapporo (Nobyembre 24; 14,853ng kopya), at Nagoya (Nobyembre 30; 9,533ng kopya), kung saan nila natapos ang hamong ibinigay sa kanila. Natuwa ang lima at nagpasalamat, "Maraming maraming salamat po. Ang aming pangarap na maging ganap na mang-aawit ay natupad na. Ang ganda po talaga ng oportunidad na ito. Maraming salamat po ulit sa inyong lahat." Ang Epekto ng "Morning Coffee"Sa pagpasok ng Disyembre, sinimulang pag-aralan ng lima (o ang Unang Henerasyon) ang tatlong awitin na possibleng maging unang single ng grupo. Ang mga awiting ito ay "Dou ni ka Shite Doyoubi" at "Usotsuki Anta," na mailalagay sa kanilang unang album, at "Morning Coffee," na napili upang maging unang single ng lima bilang Morning Musume. Inilabas ang awiting ito noong ika-28 ng Enero, taong 1998. Pumasok ito sa Oricon charts sa ika-anim na pwesto. Ang tagumpay ng kanilang debut single ay naging sanhi sa pagumpisa sa isang tradisyon, ang pagdaragdag ng mga miyembro. Pagkatapos ng tagumpay ng kanilang unang awitin, inihayag ni Tsunku noong Marso 12 na madadagdagan ang grupo ng tatlo pang bagong miyembro. Nagsimula ang kompetisyon sa sumunod na araw. Pagkatapos ng isang buwan at pitong araw, ipinakilala ni Tsunku ang tatlong bagong miyembro na sina Kei Yasuda, Mari Yaguchi, at Sayaka Ichii, binubuo ang Ikalawang Henerasyon. Ipinakila ang mga bagong miyembro gamit ang ikalawang single ng grupo, "Summer Night Town" (inilabas noong Mayo 27), at ang kanilang kaunaunahang album, First Time (inilabas noong Hulyo 8). Ang kanilang pangatlong awitin, "Daite Hold On Me!," na inilabas noong ika-9 ng Setyembre ay naging patok sa mga tao. Ito ang kaunaunahang awiting ng grupo na makapasok sa Oricon sa unang puwesto. Dahil rin sa awiting ito, nakatanggap sila ng isang gantimpala galing sa Japan Record Grand Prix, bilang Best Rookie of the Year. Ang Kapanganakan ng isang TradisyonDalawang buwan bago matapos ang taong 1998, tatlo sa walong miyembro ang nagsama upang buuhin ang kaunaunahang subgroup na may pangalang Tanpopo. Ang grupo, na binubuo nina Aya, Kaori, at Mari, ay aawit lamang ng mas mabagal at magulang na mga himig. Ang kanilang unang awitin na "Last Kiss" ay inilabas noong Nobyembre 18. Sa pagpasok ng taong 1999, ginulat ni Asuka ang mga tagasubaybay ng ASAYAN sa kabanatang ipinalabas noong Enero 17. Hinayag niya na siya ay aalis na sa grupo upang mas bigyan pansin ang kanyang pag-aaral. Dahil dito, nagsagawa ng isang konsiyerto ang kanilang produser na si Tsunku. Ang kaunaunahang konsiyertong pagtatapos (o graduation concert) ay naganap noong Abril 18 na may ngalang Morning Musume Memory ~Seishun no Hikari~. Ang konsiyertong ito ang naging daan sa pagsimula ng isang bagong tradisyon, ang "pagtatapos" o ang pagalis ng isang miyembro. Ito ay hindi lamang nagaganap sa grupong ito, kundi pati rin sa iba pang grupo na kasama sa Hello! Project. Ang Ginintuang PanahonPagkaraan ng konsiyertong ito, nagsimula ulit maghanap ang produser na si Tsunku ng mga bagong miyembrong maari niyang ilagay sa grupo. Makalipas ang tatlong buwan, matapos maglabas ng dalawang single at isang album ang grupo, nakapili na rin siya ng miyembrong papalit kay Asuka. Dalawa dapat ang makakapasok, pero dahil sa di-tiyak na mga rason isa lang ang napili, at siya ay si Maki Goto, binubuo ang Ikatlong Henerasyon. Inilabas ng grupo ang kanilang pampitong awitin na "Love Machine," noong Setyembre 9, kasama ang bagong miyembro na si Maki. Sa di inaasahang pangyayari, pumasok ang awiting ito sa Oricon sa unang puwesto. Ito ang ikalawang awit ng grupo na pumasok sa ganitong puwesto. Dahil sa tagumpay na dinala nito, tumaas ang kanilang katanyagan. Lalo pa itong nadagdagan nang inilagay si Maki sa subgroup na Pucchi Moni kasama sina Kei at Sayaka. Ang kanilang unang awitin na "Chokotto LOVE" ay inilabas noong Nobyembre 11. Sa pagdating ng baong taon, nagpasya si Aya na iwanan ang grupo upang tumugis ng karera sa industriya ng moda. Iniwan niya ang grupo noong ika-7 ng Enero, taong 2000. May isinagawang konsiyertong pagtatapos sa araw na ito, ngunit hindi ito inilabas sa VHS o DVD. Apat na buwan ang nakalipas, kinasal siya kay Shinya, ang drummer ng bandang LUNA SEA. Dahil sa kanyang pag-alis, naghanap ulit si Tsunku ng mga miyembrong papalit sa kanya, sa tulong ng palabas na ASAYAN. Ang Ika-apat na Henerasyon ay pumasok sa grupo pagkatapos ilabas ang pangwalong single ng grupo. Ang mga miyembrong bumubuo ng henerasyong ito ay sina Rika Ishikawa, Hitomi Yoshizawa, at ang mga pinakabatang miyembro na sumali sa grupo, sina Nozomi Tsuji at Ai Kago. Nakasama sila sa sumunod na single ng grupo na inalabas noong ika-17 ng Mayo. Pagkatapos ng awiting ito, umalis si Sayaka upang gumawa ng sariling karera. Binuo niya ang bandang CUBIC-CROSS, kasama sina Taisei at Naoki Yoshizawa, na naging asawa niya pagkatapos madisband ang grupo. Nang pumasok sina Ai at Nozomi ng Ika-apat na Henerasyon, nagkaroon ng idiya si Mari na gumawa ng isang bagong subgroup. Binuo nila ang grupong Mini Moni at nagsimulang magtanghal sa mga konsiyerto pagkatapos silang mabuo noong Oktubre. Ang grupo, na binubuo ng mga miyembrong hindi tataas sa 150ng sentimetro (halos limang talampakan), ay nadagdagan pa ng isang miyembro na hindi kasama sa Morning Musume. Siya ay si Mika Todd ng grupong Coconuts Musume, isa pang grupo na hinahawakan ng Hello! Project. Nang sila'y naging apat, naging opisyal na ang grupo at inilabas ang kanilang unang single na "Minimoni Jankenpyon!" noong ika-17 ng Enero, sa sumunod na taon. Sa pagpasok ng taong 2001, nagorganisa ang Morning Musume ng isang musikal na may pangalang LOVE Century. Kinailangang nilang maghanap ng iba pang mga kasapi sa pangteatrong palabas na ito. Pito ang napili, ngunit anim lamang ang nakapunta sa palabas na ipinalabas noong Mayo 3 hanggang Mayo 27 sa Teatro ng Nissay. Madaming tumangkilik sa musikal na ito. Dahil dito, ang mga awiting inawit dito ay inilabas sa album. Bago pa ipalabas ang musikal na ito, ang pinuno ng grupo na si Yuko ay nagtapos noong Abril 15. Gusto niyang ipagpatuloy ang sariling karera na kanyang sinimulan noong Agosto 5, taong 1998, gamit ang kanyang unang single na "KARASU no Nyoubou". Dahil dito, inilagay si Kaori bilang pinuno habang inilagay si Kei bilang bise-pinuno. Sa panahong ring ito, si Rika ay "ipinahiram" sa grupong Country Musume, isang grupo na hinahawakan rin ng Hello! Project. Dahil dito, ang pangalang Country Musume ay naging Country Musume ni Ishikawa Rika. Bago matapos ang taon, naghanap ulit ang produser ng grupo ng mga miyembrong sasali para palitan ang umalis na si Yuko. Ang odisyon na may pangalang "LOVE Audition 21," hango sa panglabing-isang awitin na "Renai Revolution 21," ay nakakuha ng apat na babae, binubuo ang Ikalimang Henerasyon. Sina Ai Takahashi, Asami Konno, Makoto Ogawa, at Risa Niigaki ay nakasama sa panglabing-tatlong single ng grupo. Ang "Mr. Moonlight ~Ai no Big Band~" man ang unang awiting ng Ikalimang Henerasyon ay isa lang sa kanila ang nakakuha ng sariling linya. Ang Pase ng PagbabagoNaglabas ang grupo ng tatlong awitin bago umalis ang kaisa-isang kasapi ng Ikatlong Henerasyon na si Maki. Umalis siya sa grupo noong Setyembre 23, taong 2002, upang ipagpatuloy ang sariling karera na kanyang inumpisahan noong Marso 28, taong 2001, gamit ang kanyang unang single na "Ai no Bakayarou." Ang pag-alis niya ang naging sanhi sa pagbaba ng katanyagan at tagahanga ng grupo na mangyayari sa hinaharap. Matapos umalis si Maki, nagsimula kaagad maghanap ang produser ng mga bagong miyembrong papalit sa umalis. Tatlo ang napili sa odisyong ito. Binuo nina Eri Kamei, Sayumi Michishige, at Reina Tanaka ang Ika-anim na Henerasyon. Naging apat sila nang idinagdag si Miki Fujimoto, isang orihinal na malayang mang-aawit (solo singer sa Ingles) ng kompanyang humawak rin sa grupong Morning Musume, sa henerasyong ito. Ang rason kung bakit nangyari ito ay dahil naging matagumpay ang kanyang pagtatanghal sa isang programang pinapalabas lamang tuwing Bagong Taon, ang Kouhaku Uta Gassen. Ang konsiyertong pagtatapos ni Kei ay naganap noong Mayo 5, taong 2003, kung saan nagdebut ang bagong henerasyon. Nais ni Kei na magumpisa ng sariling karera, ngunit hindi ito nangyari. Hindi siya nakapaglabas ng kahit isang album o single mula noong umalis siya sa grupo hanggang ngayon. Pagkatapos ng konsiyertong pagtatapos ni Kei, hinati ang mga natitirang miyembro sa dalawang grupo upang makapunta at magtanghal sa maraming siyudad, lalo na sa mga maliliit na lungsod na hindi makaalalay ng grupo na may labing-limang miyembro. Ang mga pangalan ng mga grupo ay Morning Musume. Otomegumi, may pitong miyembro at umaawit ng mabibilis na mga awitin, at Morning Musume. Sakuragumi , may walong miyembro at kabaliktaran ng kabilang grupo, umaawit sila ng mababagal na mga kanta. Sa pagpasok ng taong 2004, inilabas ng grupo ang kanilang pangdalawampu't isang single na "Ai Araba IT'S ALL RIGHT!" noong ika-21 ng Enero. Apat na araw ang nakalipas, naganap ang konsiyertong pagtatapos ni Abe. Gusto niyang ipagpatuloy ang sariling karera na sinimulan niya noong Agosto 1, taong 2003, gamit ang kanyang unang opisyal na single "22sai no Watashi." Pitong buwang ang nakalipas, nagtapos naman sina Ai at Nozomi ng Ika-apat ng Henerasyon noong Agosto 1. Nais nilang umalis sa grupo para mas bigyan pansin ang grupong W (Double You), na kanilang itinatag bago magtapos si Natsumi. Inilabas ng dalawa ang kanilang unang single na "Koi no Vacance" noong ika-19 ng Mayo, tatlong buwang bago sila magtapos sa grupong Morning Musume. Ang Pampitong TaonNagsimula ulit ng isa pang odisyon ang produser pagkatapos umalis sina Ai at Nozomi. Ipinangalan niyang "Lucky 7" ang odisyong ito upang ipagdiwang ang pampitong taon ng grupo, ang Ikapitong Henerasyon, at ang pitong lungsod kung saan ginanap ang mga odisyon. Makalipas ang limang buwan, nagbunga ang odisyon ng anim na finalist. Ngunit, noong Enero 9 taong 2005, hinayag ni Tsunku na walang nanalo sa odisyong ito, na walang maidadagdag sa grupo. Ipinaliwanag niya na wala sa anim ang hinahanap niyang makakatulong sa grupo. Pagkatapos ng bigong odisyon, isa na namang malungkot na pangyayari ang naganap. Ang pinuno at ang huling orihinal na miyembro ng grupo na si Kaori ay umalis sa grupo noong Enero 31. Gusto niyang ipagpatuloy ang sariling karera na kanyang sinimulan noong Abril 23 taong 2003, gamit ang unang album na may pamagat na Osavurio ~Ai wa Matte Kurenai~. Ang kanyang bise-pinuno na si Mari (na siyang pumalit kay Kei noong nagtapos siya) ay pumalit sa kanya at naging pinuno. Naging bise-pinuno naman si Hitomi. Sa pagdating ng Pebrero ng 2005, sinimulan ulit ni Tsunku ang kanyang paghahanap sa mga bagong miyembro na papalit sa mga umalis. Ang naging bunga ng odisyong ito ay si Koharu Kusumi, ang kaisaisang kasapi ng Ikapitong Henerasyon. Siya ay naging opisyal na miyembro ng grupo noong Hulyo 15. Tatlong buwan bago idagdag si Koharu sa grupo may isang di-inaasahang pangyayari ang naganap. Ang pinunong si Mari ay biglaang nagretiro noong Abril 14. Marami ang nagulat, lalo na ang mga tagahanga ng dalaga. Ang rason kung bakit siya umalis ay dahil sa isang artikulong nakalagay sa magasing Friday. Ito ay naglalaman ng kanyang larawang kasama ang kanyang kasintahan. Bilang miyembro ng Morning Musume, hindi sila pinapayagang magkaroon ng mga karelasyon. Dahil dito, naging pinuno si Hitomi at naging bise-pinuno naman si Miki. Sa ibang balita, umalis si Rika sa grupo noong Mayo 7. Gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang karera bilang kasapi ng grupong Biyuuden, na itinatag noong Agosto ng taong 2004. Kasama niya dito sina Erika Miyoshi at Yui Okada. Ang kanilang kaunaunahang single na "Koi no Nukegara" ay inilabas noong Setyembre 23, isang buwan pagkatapos matatag ang grupo. Noong Disyembre 31, bumalik ang mga dating miyembro ng grupo (maliban kina Aya Ishiguro, Asuka Fukuda, at Sayaka Ichii) upang samahan ang mga kasalukuyang miyembro upang itanghal ang pinakatanyag na awitin ng grupo, ang LOVE Machine, sa isang programang pinapalabas lamang tuwing Bagong Taon, ang Kouhaku Uta Gassen. Kasalukuyang Lagay ng GrupoMaganda ang naging simula ng grupo dahil nakatanggap sila ng isang gantimpala galing sa organisasyong "Kanagawa Image Up" noong Enero 16, taong 2006. Ito ay sa dahilang pagsusuporta nila, kasama ang buong Hello! Project, sa kampanyang laban sa polusyon. Sina Hitomi, Miki, at Ai (ng Ikalimang Henerasyon) ang tumanggap ng gantimpala para sa banda at sa kompanya. [1], [2], [3] Maganda rin ang naging simula ng bagong miyembro ng grupo, na si Koharu. Inilagay siya sa Kirarin Revolution, isang anime na nagsimula noong Abril 7, upang maging voice actor ng pangunahing karakter nito, na si Kirari Tsukishima. Bukod dito, naglabas rin siya ng isang single, ang kanyang kaunaunahang awitin, na "Koi Kana" noong Abril 12. Ang mga awiting nakalagay sa single na ito ay ginamit sa kanyang palabas bilang mga theme song. Labing-anim na araw ang nakalipas, inihayag ni Tsunku sa kanyang sariling website na magtatapos sina Asami at Makoto. [4], [5] Aalis sa grupo, pati na rin sa kompanyang Hello! Project, sa Hulyo 23 si Asami upang pumunta sa kolehiyo. Si Makoto naman ay magtatapos sa Agosto 27]], pagkatapos niyang magtanghal sa isang musikal na Ribbon no Kishi, upang mag-aral sa ibang bansa. 'Di kagaya ni Asami, gusto niya lang iwanan ang grupo, hindi ang kompanya. [6] Ang mga MiyembroBago umaalis ang isang miyembro ng grupo, nagsasagawa ang kompanya ng odisyon upang palitang ang aalis na miyembro. Ang dami ng miyembrong ito ay nasa pagitan ng limang babae (bilang ng unang henerasyon ng grupo) hanggang labing-anim na babae (nangyari noong malapit nang nagtapos si Kei). Mga Kasalukuyang Miyembro
Mga Dating MiyembroKada taon, isa (o mahigit pa sa isa) ang "nagtatapos" sa grupo. Ang ibig sabihin ito ay aalis na sila sa grupo upang bumuo ng sariling karera, sumali sa isang bagong grupo, o magpatuloy sa pag-aaral. Ito ang listahan ng mga dating miyembro:
Ang Mga Pinuno ng GrupoKatulad ng isang kapisanan, ang grupo ay pinamumunuan ng isang pinuno't ng isang bise-pinuno. Ayon sa tradisyon ng Hello! Project, ang pinakamatandang miyembro ng banda ang ginagawang pinuno ng grupo, habang ang pinakamatandang miyembro ng susunod na henerasyon naman ang ginagawang bise-pinuno. Ito ang listahan ng mga naging pinuno (sa kauna-unahang pinuno sa kasalukuyang pinuno):
Ang mga TagapagturoTuwing may mga bagong miyembro inilalagay sa grupo, sila ay itinatalaga sa isang mas matandang miyembro ng grupo upang sila'y patnubayan at turuan. Ito ang listahan kung sino ang nagturo at tinuruan.
Mga OdisyonBukod sa mga odisyong nakalista dito, may iba pang paraan para maging kasama sa grupo:
Odisyon: Pagdaragdag
Odisyon: Pangalawang Pagdaragdag
Odisyon: Pangatlong Pagdaragdag
Odisyon: Love Audition 21
Odisyon: Love Audition ng taong 2002
Odisyon: Lucky 7Ang odisyong ito ay ipinangalanang Lucky 7 upang alalahanin ang pangpitong henerasyong, ang pangpitong taon ng Morning Musume, at pitong siudad kung saan ginagawa ang odisyong ito.
Odisyon: Odisyon sa taong 2005
Odisyon: Terminong Happy 8
DiskograpiyaMga opisyal album
Mga compilation album
Mga sountrack album
Mga single
Mga concert DVD
Koleksyon ng mga music video
Iba pang DVD
FilmograpiyaMga musikal
Mga palabas sa telebisyon
Mga pelikula
Mga pahayaganMga komiks
Mga photobook
Ibang proyektoMga palabas sa radyo
Mga video game
[1] Ang larong ito ay hindi ginawa ng grupo o ng Hello! Project. Ginamit ng larong ito ang kanilang pangwalong awitin na "Koi no Dance Site." Mga kaugnayang panlabas
Questions for article: มอร์นิงมุซุเมะ, sayaka ichii wallpaper, 早安少女組-2001(live revolution spring concert tour) |
This article is from Wikipedia. All text is available under the terms of the GNU Free Documentation License.
IHS Europe: Infrared Heating Systems for Home and Business.